Friday, August 28, 2026

Mahigit 800 aplikante, dumagsa sa RMN Mega Job Fair

Naging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng ika-74 na anibersaryo ng Radio Mindanao Network o RMN ngayong Biyernes, August 28, sa Robinsons Novaliches sa Quezon City.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang Local and Overseas Mega Job Fair 2026 kung saan mahigit 800 job seekers ang nagparehistro, habang higit 60 naman ang na-hire on the spot.

Bukod sa mga job opportunities, naghatid din ang RMN at mga katuwang nitong ahensya at organisasyon ng iba’t ibang libreng serbisyo para sa publiko.

Kabilang dito ang bloodletting, libreng gupit, dental services, blood sugar at cholesterol testing, family planning at counseling, HPV self-test para sa cervical cancer detection, chronic kidney disease testing, at late birth registration.

Hindi rin nawala ang entertainment at mga papremyo para sa mga dumalong aplikante at Ka-RadyoMaN.

Isa sa mga pinalad na hired on the spot si Regimes Manasis bilang service crew.

Bahagi ang Mega Job Fair at iba pang libreng serbisyo sa pagdiriwang ng RMN sa 74 na taon nitong paghahatid ng balita, impormasyon at serbisyo sa publiko.

Facebook Comments