Friday, August 28, 2026

Project NOAH, palalakasin para mas maagang makapaghanda sa sakuna —Malacañang

Palalakasin ng pamahalaan ang Project NOAH para mas maagang matukoy ang banta ng baha at iba pang sakuna.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) na ilabas ang pondo para sa pagpapalakas ng proyekto sa University of the Philippines (UP) System.

Gagamit ang Project NOAH ng artificial intelligence, real-time monitoring, Light Detection and Ranging (LiDAR) mapping at data analytics para mas mabilis na matukoy ang mga lugar na maaaring tamaan ng baha at iba pang panganib.

Sinabi ni Castro na makatutulong ito sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na makapagpasya at makapaghanda bago lumala ang sitwasyon.

Layunin ng proyekto na palakasin ang paghahanda at pag-iwas sa sakuna, hindi lamang ang pagtugon kapag nangyari na ito.

Facebook Comments