
Kinumpirma sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame na na-relieve na sa pwesto ang Senior Officer na kasabwat umano ng nahuling Bureau of Fire Protection (BFP) Personnel sa Pampanga para sa slot-for-sale scheme.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, may ranggong Deputy Regional Director for Administration mula sa Region 4A ang nasabing nirelieve na opisyal.
Ayon kay Remulla, nirelieve ito sa kanyang pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nasa kustodiya naman na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naarestong babaeng BFP Personnel at nahaharap sa kasong paglabag sa Rrobbery-extortion in relation to the Cybercrime Prevention Act.
Habang ang apat na mga naunang katransaksyon nito ay pinanasubpoena na rin sa susunod na linggo ng CIDG
Ayon kay Remulla, pwede silang magtestify kung ano ang nangyari at pwede pa nilang maituloy ang kanilang serbisyo.
Ngunit kung hindi sila makikipagcooperate ay maaari silang masampahan ng kaukulang kaso.










