Thursday, September 10, 2026

Kaso ng Leptospirosis sa Maynila, patuloy na tumataas

Umaabot na sa 1,178 ang naitatalang kaso ng leptospirosis sa lungsod ng Maynila ngayong araw.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nadagdagan ng 84 na bagong kaso ng leptospirosis ang kanipang naitatala kung saan lahat ng mga pasyente ay kasalukuyan minomonitor ang sitwasyon.

Nananatili pa rin sa 39 ang naitatalang nasawi dahil sa leptospirosis mula Enero hanggang Setyembre 10, 2026.

Kahit nasa fully capacity na…patiloy na tumatanggap ng pasyente ang mga ospital ng Manila LGU tulad ng Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Sa datos mula pa sa MHD, umaktay na rin sa 2,808 ang kaso ng dengue at 1,451 na ang naitalang kaso ng influenza-like illness.

Muling ipinapaalala ng MHD, libre ang konsultasyon gayundin ang doxycycline kaya’t hinihimok ang mga lumusong sa baha at may sintomas na magpakonsulta upang maagapan ang sakit.

Facebook Comments