Thursday, September 10, 2026

Epekto ng El Niño sa agrikultura at tubig, patuloy na tinututukan ng Palasyo

Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang epekto ng El Niño, lalo na sa agrikultura at suplay ng tubig.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, naka-activate na ang El Niño Task Force ng Department of Agriculture para protektahan ang mga magsasaka at matiyak ang sapat na suplay ng mga produktong agrikultural.

Kasama sa mga hakbang ang maayos na paggamit ng irrigation at water resources, pati pagtuturo sa mga magsasaka kung anong mga pananim ang angkop sa pabago-bagong panahon.

Sinabi ni Castro na prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahanda sa epekto ng climate change, kabilang ang mas matinding init at pag-ulan.

Nakikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa Climate Change Commission para matiyak na siyensya ang batayan ng mga hakbang laban sa climate change.

Facebook Comments