Friday, September 4, 2026

Mahigit 9,000 na paaralan, nakinahagi sa matagumpay na National Simultaneus Safety Drill kahapon

Pumalo sa mahigit 9,000 paaralan ang nakiisa sa National Simultaneous School Safety Drill kahapon.

Sa data ng Department of Education (DEPED) nasa 9,393 na mga paaralan ang sumali sa matagumpay na safety drill.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara sa pamamagitan ni Undersecretary Malcolm Garma, mahalaga ang pagsasagawa ng drill dahil hindi kayang hulaan ang lahat ng maaaring mangyari, pero maaaring paghandaan ang mga sitwasyong posibleng harapin.

Aniya, mahalagang gawing mas ligtas at mas handa ang mga paaralan para maprotektahan ang mga mag-aaral at mga guro sa oras ng sakuna o emergency.

Binigyang-diin din ng Kalihim na ang layunin ng mga safety drill ay hindi para magdulot ng takot, kundi upang matiyak na ang bawat bata ay makapag-aral, lumaki at makaramdam ng seguridad sa loob ng paaralan.

Ito ang patuloy na isinusulong ng DEPED sa pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng mga paaralan sa buong bansa.

Facebook Comments