Tuesday, September 8, 2026

Medical record at mga larawan sa ospital, kasamang isusumite kasabay ng pagbabalik ng warrant na isinilbi kay dating House Speaker Romualdez sa Sandiganbayan

Nakatakdang ibalik ano mang oras ngayong araw ang warrant of arrest matapos isilbi kagabi kay dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa kasong plunder dito sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-NCR, kasama sa mga isusumite ngayong araw sa third division ng Sandiganbayan ang medical report ng mambabatas.

Isusumite rin ang mga larawan na kuha sa loob ng ospital kagabi habang isinasagawa ang booking procedure sa hospital bed.

Una nang sinabi ng CIDG na may mga nakakabit na aparatong pang-medical sa katawan ni Romualdez kayat hindi siya maitayo.

Tiniyak naman ng PNP-CIDG na mahigit nilang babantayan si Romualdez sa ospital hanggang puwede na itong dalhin sa Sandiganbayan.

May manifestation din si Romualdez sa Sandibanbaya Third Division para sa urgent motion for continued hospital under custody.

Humaharap si Romualdez sa P7.44-billion plunder case dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control scandal.

Facebook Comments