Thursday, September 10, 2026

Pagbuo ng Committee of the whole para talakayin ang Pax Silica Project, suportado ng isang senador

Sinusuportahan ni Senator Imee Marcos ang mungkahi na Senado ang tumalakay sa panukalang Pax Silica Project bilang Committee of the Whole.

Paliwanag ni Sen. Marcos, maraming usapin ang nasabing proyekto na tiyak babagsak sa iba’t ibang komite sa Senado.

Makakatulong aniya para maiwasan ang overlap at duplikasyon sa proseso ng pagtalakay sa nabanggit na proyekto kung ang Senado na bilang Committee of the Whole na ang magsagawa ng pagdinig sa mga usaping sangkot dito.

Sinabi ng senadora na maganda sana kung bago matapos ang taon ay makapag-convene sila bilang Committee of the Whole para matalakay ang mga isyu sa panukalang Pax Silica Project.

Si Sen. Marcos ang naghain ng resolusyon para paimbestigahan ang Pax Silica habang si Senate Majority Leader Migz Zubiri naman ang nagsulong na bumuo ang mataas na kapulungan ng Committee of the Whole para busisiin ang malawak na usapin ng proyekto.

Facebook Comments