46 KATAO, NAKIISA SA BLOODLETTING ACTIVITY SA SAN NICOLAS

Umabot sa 46 mula sa 68 boluntaryo sa San Nicolas ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang bloodletting activity nitong Abril.

Ayon sa mga organizer, patunay ang nasabing inisyatibo ng pagkakaisa ng komunidad at malasakit ng bawat isa sa kapwa.

Ang mga nakolektang dugo ay agad na dinala sa blood bank ng Conrado F. Estrella Regional and Medical Trauma Center, na nagsilbing medical team at katuwang ng lokal na pamahalaan sa aktibidad.

Inaasahang makatutulong ang programang ito at ang mga nakalap na bag ng dugo sa pagtugon sa pangangailangan ng suplay upang patuloy na makapagligtas ng buhay ng mga pasyente.

Sa huli, muling iginiit ng lokal na pamahalaan ang adbokasiya nito sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at bolunterismo sa mga nasasakupan

Facebook Comments