Thursday, April 23, 2026

Financial records ng lahat ng regional training units, pinasusuri ni PNP Chief Nartatez kasunod ng alegasyon patungkol sa rental kickback scheme

Pinasusuri na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang financial records ng lahat ng regional training units sa buong bansa kasunod ng mga alegasyon patungkol sa rental kickback scheme.

Kung saan pinilit umano ang mga police trainee na magbigay ng karagdagang fee para sa kanilang inuupahan na mapupunta naman sa mga personnel ng Regional Special Training Units sa Cordillera Administrative Region.

Dahil dito ay pinasusuri na ni Nartatez sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Cybercrime Group (ACG) kung ang ganitong sistema ay matagal nang isinasagawa sa iba pang training units ng PNP.

Nabatid na ang huling Field Training Program ay noong December ng nakaraang taon.

Inatasan din ni Nartatez ang Directorate for Education and Training (TDET) sa pamamagitan ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na makipag-ugnayan sa CIDG at ACG para ipunin ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng administrative at criminal case sa mga sangkot na personnel sa unit ng Cordillera.

Facebook Comments