KASONG ADMINISTRATIBO | Malay, Aklan Mayor Cicero Cawaling, sinuspinde

23

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Malay, Aklan Mayor Cicero Cawaling.

Ito ay dahil sa kasong administratibo at kriminal na inihain ng Department of Interior and Local Government (DILG) dulot ng umano ay pagpapabaya sa isla ng Boracay.

Ayon kay Interior Assistant Secretary Jonathan Malaya, Oktubre 24 nang matanggap nila ang suspension order kay Cawaling at naging epektibo kahapon.

Aniya, ang preventive suspension kay Cawaling ay tatagal ng anim na buwan para hindi mapanghimasukan ng alkalde ang isinasagawang imbestigasyon ng anti-graft body.

Maliban kay Cawaling, 16 na iba lang lokal na opisyal ng Aklan ang sinampahan ng reklamo sa Ombudsman dahil sa umano ay pagpapabaya sa Boracay.

Facebook Comments