Tuesday, May 26, 2026

Pagbawi ng lisensya ng nasa 100 baril ni Sen. Dela Rosa, pinoproseso na ng PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na pinoproseso na ng PNP ang pagbawi sa mga lisensya ng nasa 100 baril ni Senador Ronald dela Rosa.

Kasunod ito ng hiling mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na kanselahin ang matataas na kalibre ng automatic rifles at shotgun ng senador.

Ayon kay Nartatez, normal naman na magkaroon ng higit 100 firearms si Dela Rosa na may iba’t ibang kategorya lalo’t binigyan siya ng lisensya para dito.

Giit pa ni Nartatez, ipatutupad ang arrest warrant laban kay Dela Rosa tulad ng ginagawa sa iba pang akusado kahit pa dati itong hepe ng PNP.

May sinusunod aniya na standard procedures ang pulisya sa pagpapatupad ng warrant of arrest.

Facebook Comments