
Pormal nang nai-raffle ng Sandiganbayan ang mga kaso laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pa.
Naitalaga na sa iba’t ibang dibisyon ang paghawak sa mga kaso.
Una nang sinampahan ng Office of the Ombudsman ng mga kasong plunder at graft si Estrada at iba pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng umano’y anomalya at kickback scheme sa flood control projects.
Ang kasong plunder ay napunta sa 5th Division ng Sandiganbayan.
Samantala, ang unang graft charge ay napunta sa 2nd Division.
Kasama ni Estrada rito si dating DPWH Secretary Manny Bonoan.
Ang ikalawang graft charge naman ay napunta sa 5th Division, kung saan kapwa akusado sina Bonoan, Assistant District Engineer Denryl Caesar S. Cortuna, at District Engineers Manny B. Bulusan at Arturo L. Gonzales Jr.
Ang mga dibisyon ang magsasagawa ng mga hearing o pagdinig sa mga kaso.










