
Binigyan na ng kopya ng complaint affidavit sina Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno at Percy Cendaña maging si Mamamayang Liberal Party-list Leila de Lima ngayong Biyernes, May 15 kaugnay ng mga kasong paglabag sa Bank Secrecy Law, Data Privacy Act, at Anti-Money Laundering Act na isinampa sa kanila ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio.
Ayon kay De Lima, mistulang ginamit umano ito para malihis ang atensyon sa tunay na isyu at nakikita nila ito bilang harassment.
Dagdag naman ni Cendaña, “classic Duterte moves” umano ito laban sa mga mambabatas na ginagawa lang ng tama ang kanilang trabaho.
Gayunpaman, sinabi naman ni Diokno na kumpyansa silang madi-dismissed ang mga kaso laban sa kanila dahil hindi naman umano pwedeng i-weaponize ang batas laban sa mga indibidwal na ginagaaa lang ang kanilang trabaho.
Isasagawa ang sunod na pagdinig sa May 29 kung saan inaasahang pag uusapan kung kailan pwedeng ihain ang counter affidavit at pagdalo rin ng iba pang respondents.










