Kawani ng Davao de Oro LGU, timbog sa buy-bust operation; halos P100,000 ng shabu, nasamsam naman sa isang drug den

Arestado ang isang job order, driver ng response team ng Compostela Local Government Unit dahil sa iligal na droga.

Sa report ng Compostela Municipal Police station, isang 36 anyos na lalaking si alyas Mar ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 3 Barangay Lagab, Compostela, Davao de Oro kung saan nakuha mula sa kanya ang dalawang pakete ng hinihilaang shabu na nagkakahalagang P6, 800.

Samantala, sa ibang operasyon naman, 3 ang arestado sa ikinasang buy bust operation sa drug den sa Barangay Poblacion, Mawab, Davao de Oro noong March 31, 2023.


Sa report ng Davao de Oro Provincial Office of Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI, target sa operasyon ang drug den maintainer na si Ariel Carurubias, 23 anyos. Nahuli din ang dalawa pang drug den visitors.

Ayon pa na nakuha ng otoridad sa drug den ang nasa 12 grams ng hinihilaang shabu na nagkakahalagang 93, 000 pesos.

Nakakustodiya na sa police stations ang mga naaresto at haharap sa kasong may paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments