Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas ang mahalagang papel ng buong komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas at drug-free na bayan sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.
Sa isinagawang information drive, hinikayat ang mga pamilya, paaralan, mga opisyal ng barangay, at iba’t ibang sektor ng lipunan na makiisa sa pagpapatibay ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng mga programang pangkabataan, ligtas na pampublikong espasyo, at mga oportunidad sa kabuhayan bilang mga pangunahing hakbang upang maiwasan ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Ibinahagi sa mga dumalo ang tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at sa responsibilidad ng bawat mamamayan sa pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.
Dumalo sa programa mga opisyal ng pamahalang lokal, mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, gayundin ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Health Workers, at Barangay Nutrition Scholars.
Patuloy na isinusulong sa bayan ang mga programang nagpapalawak ng kaalaman at pakikilahok ng mamamayan upang mapanatili ang isang ligtas, malusog, at drug-free na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments