
Umabot na sa lima ang napaulat na nasawi dahil sa leptospirosis sa Lungsod ng Maynila.
Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan patuloy aniya ang pagdami ng mga kaso ng sakit isang linggo matapos ang mga pag-ulan na nagresulta sa mga pagbaha.
Ayon sa alkalde, overwhelmed na ang ilang pagamutan dahil sa dami ng mga pasyenteng dinadala na may leptospirosis.
May isa aniyang nasawi noong August 24, at tig-dalawa naman kahapon at ngayon.
Nagpaabot naman siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing pasyente.
Samantala, nasa mahigit 389,000 na doxycycline naman ang available ngayon sa lungsod para sa mga na-expose sa pagbaha.
Facebook Comments










