Umabot sa 241 aso at pusa ang nabakunahan sa isinagawang Anti-Rabies Vaccination Drive ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa Barangay Bateng.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang aktibidad na dinaluhan ng 106 fur parents na nagdala ng kanilang mga alagang hayop upang mabakunahan laban sa rabies.
Bumisita ang vaccination team sa Barangay Bateng East at Bateng West upang mailapit ang libreng serbisyo sa mga residente at matiyak na mas maraming alagang aso at pusa ang mabibigyan ng proteksiyon laban sa rabies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







