Konsehal sa City of Ilagan, Kinilala bilang “Most Exceptional Public Servant, Young Legislator for Good Governance” ng Gintong Parangal

33
Cauayan City, Isabela-Pararangalan bilang “Most Exceptional Public Servant, Young Legislator, and Advocate for Good Governance” ng Gintong Parangal Committee si City Councilor Jay Eveson C. Diaz ng City of Ilagan na nakatakdang idaos sa Okada, Manila sa August 13, 2022.

Proud naman ang mga Ilagueño sa pagkilalang iginawad sa konsehal na isang maituturing na achievement ng siyudad.

Si Jayve Diaz ay anak ni incumbent mayor-elect Josemarie Diaz at dating alkalde at maybahay nito na si Evelyn Diaz.

Kilala ang pinakabatang konsehal sa pagiging aktibo nito sa mga social services at maging sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga kabataan sa lungsod.

Para sa nakararaming Ilagueño, isa lamang ang kanilang konsehal sa mga dapat maging isang magandang halimbawa na dapat tularan pagdating sa serbisyo publiko.

Facebook Comments