
Mahigit 2,300 magsasaka at landowners sa Murcia, Negros Occidental na naapektuhan ng Red-Striped Soft Scale Insect o RSSI infestation ang nakatanggap ng emergency cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa DSWD, 2,366 benepisyaryo ang nabigyan nitong Linggo, August 23, ng tig-P10,325 sa ilalim ng Emergency Cash Transfer o ECT.
Isinagawa ang pamamahagi sa koordinasyon ng DSWD Field Office Negros Island Region at lokal na pamahalaan ng Murcia.
Layon ng ayuda na makatulong sa mga apektadong magsasaka at landowners na makabangon matapos maapektuhan ng RSSI infestation ang kanilang kabuhayan.
Facebook Comments










