Arestado ng mga tauhan ng Balungao Police Station ang itinuring na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang operasyon noong Agosto 24, 2026 sa Balungao, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang isang 40-anyos, binata, truck driver at residente ng Balungao. Nadakip siya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong arson.
Batay sa warrant, may inirekomendang piyansa na ₱72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Balungao Police Station kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasagawa ang kaukulang disposisyon at legal na proseso.
Samantala, pinuri ni Police Colonel Dennis L. De Leon, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang mga tauhan ng Balungao Police Station dahil sa kanilang epektibong operasyon sa pagtukoy, paghahanap at pag-aresto sa mga wanted person sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










