
Pormal nang tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang 7 bagong unit ng S-70i Black Hawk helicopters na gawa ng Polish company na PZL Mielec, kahapon , August 26.
Ang nasabing mga bagong deliver na helicopter ay ang bubuo sa 32 units sa ilalim ng Horizon 2 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program.
Ayon kay PAF Commanding General LtGen Arthur Cordura, 47 na mga S-70i Black Hawk helicopters na ang inooperate ng PAF dahilan para maging pinakamalaking operator ang Pilipinas ng nasabing S-70i variant.
Ang nasabing helicopter ay may kapasidad na 16 hanggang 20 katao.
Kaya ng nasabing helicopter ang multi-role operations pang humanitarian assistance, disaster response, medical evacuation, personnel transport at iba pang kritikal na misyon .
Ito ay ididistribute sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa, lalo na mga tactical operations group at sa Palawan.










