
Umabot na sa 31 ang naiulat na nasawi dulot ng pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay, Neneng at ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa nasabing bilang, 15 ang naitala sa Benguet, tig-iisa sa La Union, Quezon, Oriental Mindoro at Negros Occidental.
Habang 4 naman ang naiulat sa Rizal gayundin sa Batangas, at tig-dalawa sa Occidental Mindoro at Caloocan.
Kaugnay nito, nasa 104 naman na mga lugar sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity.
Kabilang sa mga nagdeklara ang buong lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite.
Kasama pa ang ilang lugar sa Dagupan, Pangasinan, Benguet, Rizal, Batangas at Occidental Mindoro.
Kaugnay nito, 7.7 milyong katao naman ang naitalang naapektuhan ng nasabing sama ng panahon.
Samantala, halos 3 libong kabahayan naman ang naiulat na nasira, ₱5.5 bilyong halaga ang nasira sa imprastraktura at nasa halos ₱2 bilyon naman ang naiulat na nasira sa agrikultura.










