Konstruksyon ng mala-“mega mall” na bahay ni Sharon Cuneta, ipinasilip!

52

Napa-wow ang mga fans ng Megastar na si Sharon Cuneta matapos niyang ibahagi sa social media ang konstruksyon ng kaniyang “forever home”.

Sa video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram noong February 11, makikita na halos patapos na ang basement parking ng kanyang bagong bahay.


Tinawag itong “mega mall” at “mega mansion” ng kanyang mga fans dahil sa laki nito na kakayanin pati intensity 9-10 na lindol.

Say ng Megastar, August 1, 2020 nang simulan niyang ipagawa ang bahay na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang taon.

Ayos lang naman daw sa kanya na maghintay nang matagal basta “super tibay, pulido at magaling ang pagkakagawa”.

Sa kanyang post, pinasalamatan din ni Sharon ang kanyang contractor na si Onet Limchoc at architect na si Conrad Onglao.




Facebook Comments