Ayon sa NIA, halos tapos na rin ang irrigation canal system na umaabot sa 95 porsyento, habang tuloy-tuloy ang mga natitirang gawain sa dam site. Target na isagawa ang partial operation at dry run ng proyekto sa Disyembre 2026.
Tinatayang nasa ₱385 milyon pa ang kailangan upang makumpleto ang proyekto, partikular para sa canal lining at iba pang natitirang pasilidad.
Isinasagawa ang proyekto sa ilalim ng pondo ng NIA at Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamamagitan ng CARP-IC at Agrarian Reform Fund.
Kapag natapos, inaasahang makatutulong ang dam sa irigasyon ng mahigit 12,000 ektarya ng sakahan sa Pangasinan. Inaasahan ding mapapalakas nito ang produksyon ng palay, mapatatatag ang kita ng mga magsasaka, at mababawasan ang pagdepende sa ulan, lalo na sa panahon ng tagtuyot.






