‘Committee level-approved’ na ang ang panukalang batas na layong palitan ang pangalan ng Region 1 Medical Center (R1MC) at gawing Jose C. De Venecia Jr. Memorial Medical Center bilang pagkilala sa naging ambag ng yumaong dating House Speaker sa serbisyo publiko.
Ang House Bill No. 8454 ay inihain ni Pangasinan 1st District Representative Arthur Celeste at sinuportahan bilang co-author ng mga kapwa kinatawan mula sa ikalawa, hanggang ika-anim na distritong lalawigan.
Kinikilala si De Venecia Jr. bilang isa sa nagtaguyod ng pagpapalawak ng pasilidad at mga serbisyo ng naturang medical center, na noo’y Gov. Teofilo Sison Memorial Provincial Hospital pa lamang, partikular sa mosyon nito para sa malawakang rehabilitasyon ng ospital mula sa malubhang pinsala ng lindol noong 1990.
Si De Venecia Jr. din ang may-akda ng RA 7893 o ang batas na nagpapalawig sa Region 1 Medical Center bilang ‘DOH-retained hospital’ na may 300 bed capacity noong 1995.
Sa ilalim ng panukala, layunin nitong kilalanin ang naging papel ni De Venecia sa mga inisyatibong pangkaunlaran at sa serbisyo publiko na nakapagbigay benepisyo sa Pangasinan at sa iba pang bahagi ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










