KONSTUKSYON NG DALAWANG BAGONGGUSALING PAMPAARALAN SA DAGUPAN, NAKATAKDANG SIMULAN

Nakatakda nang simulan ang pagtatayo ng dalawang bagong gusaling pampaaralan sa Dagupan City matapos lagdaan ni Mayor Belen Fernandez at City Engineer Josephine Corpuz ang mga kinakailangang dokumento para sa pagpapatupad ng proyekto nitong Martes, Hulyo 7.

Itatayo ang 3-storey na gusali na may siyam na silid-aralan sa Malued Elementary School at Carael National High School.

Kasama rin sa proyekto ang pagkakaloob ng mga bagong school furniture upang mas maging maayos at komportable ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ang pagsisimula ng konstruksyon ay kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement noong Hunyo 3 sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan at ng Department of Education (DepEd) Central Office sa Makati, na naglalayong palawakin at pagbutihin ang mga pasilidad sa edukasyon para sa mga kabataang Dagupeño.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ang proyekto ng patuloy na pagsisikap na mabigyan ang mga mag-aaral ng ligtas, maayos, at dekalidad na kapaligiran sa pag-aaral sa tulong ng pambansang pamahalaan at ng DepEd. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments