
Kasabay ng pag-usbong ng modern banking, dumarami rin ang financial scams.
Alinsunod sa panuntunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mas pinaiigting ang proteksyon laban sa financial scams sa pamamagitan ng Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA.
Layunin nitong labanan ang phishing, smishing, money muling, at iba pang panlilinlang na kadalasan ay isinasagawa gamit ang links na ginagamit para makuha ang OTP, PIN, at iba pang sensitibong impormasyon ng mga accountholder.
Sa ilalim ng batas, may kapangyarihan din ang mga bangko
na i-hold ang mga account na posibleng may kaugnayan sa scam bilang agarang hakbang para maprotektahan ang mga biktima.
At para sa karagdagang seguridad, huwag kalimutan ang STOP, CHECK, REPORT, at PROTECT. Mag-pause kapag may duda, i-verify ang mga detalye at sender, mag-report sa official channels, at siguraduhing laging protektado ang iyong account.
Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng LANDBANK – empowering Filipinos for a better future.








