DEPED NAGPATUPAD NG APAT NA LEARNING CONTINUITY LEVELS PARA SA LIGTAS NA PAGPAPATULOY NG EDUKASYON

Ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) ang apat na Learning Continuity Levels bilang gabay sa mga paaralan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral sa panahon ng class suspension, kalamidad, at iba pang emergency, habang inuuna ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Sa ilalim ng programang ito, may apat na antas ng pagpapatuloy ng pag-aaral.

Sa Level 1, nagpapatuloy ang normal na face-to-face classes at regular na mga gawaing pang-akademiko.

Sa Level 2, ginagamit ang flexible learning modalities tulad ng online classes at printed o digital modules. Sa Level 3, nililimitahan ang mga learning tasks habang inuuna ang regular na teacher check-ins at suporta sa kapakanan ng mga mag-aaral. Samantala, sa Level 4, pansamantalang itinitigil ang academic learning kapag may matinding emergency o panganib upang bigyang-prayoridad ang kaligtasan at psychosocial support ng mga mag-aaral at kanilang pamilya.

Ayon sa DepEd, ang School Head ang magpapasya kung aling Learning Continuity Level ang ipatutupad batay sa aktwal na sitwasyon at pangangailangan ng mga mag-aaral at ng komunidad.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, layunin ng DepEd na mapanatili ang balanse sa pagitan ng pagpapatuloy ng edukasyon at pagtiyak sa kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng bawat mag-aaral sa anumang sitwasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments