
“IMPEACHMENT SHOULD NEVER BE ABUSED”
Ito ang pahayag ni Atty. Sheila Sison, lead defense cousel ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pang-aabuso sa impeachment process ng mga nasa House of Representatives na nagtatangkang paalisin sa pwesto ang nasabing bise presidente.
Aniya, ang anumang paglilitis ay kailangan na naaayon sa batas at konstitusyon at hindi lamang sa kagustuhan ng iilang may hawak na kapangyarihan.
Dagdag pa ng lead legal counsel ni Duterte na hindi ito ang unang pagkakatapon na sinubukan ng ilang miyembro ng House of Representatives na alisin ang bise presidente sa pwesto nito, sa pagkakataong hindi alinsunod sa Konstitusyon.
Ayon pa kay Sison, sa kabila umano nang walang humpay na komentaryo sa mga pampublikong espasyo ng prosekyusyon ay wala pang maituturing na anumang ebidensya o alegasyong napapatunayan ang mga ito.
Aniya, dahil ang bawat ebidensya ay dapat na dumaan mula sa paglilitis at pagsusuri ng korte na syang may tanging kapangyarihan sa ilalim ng Saligang Batas.










