Mga magulang ng isang estudyante na nagbiro sa social media kontra kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, humingi ng dispensa

Humarap mismo kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga magulang ng isang estudyante na nagbiro sa social media kontra sa alkalde.

Nabatid na ang mga magulang ng hindi na pinangalang estudyante ang nagkusa na makausap si Mayor Wes.

Humingi sila ng dispensa sa iresponsableng pag-post ng hindi akmang biro ng kanilang anak sa official social media page ng Valenzuela LGU.


Ang naturang post ay nito lamang kasagsagan ng pag-uulan kung saan nabatikos ang estudyante sa pabirong post nito habang naghihintay ng kanselasyon ng klase.

Tinanggap naman ni Mayor Wes ang paghingi ng dispensa ng mga naturang magulang at saka nagpa-alala sa lahat ng residente partikular sa mga kabataan na maging responsable sa mga ipino-post sa social media habang nanawagan siya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments