
Hindi umano matatapos sa ikinasang kilos-protesta kahapon, June 22 sa puregold-starmall, ang ipinaglalaban ng libo-libong residente at manggagawa ng San Jose del Monte, Bulacan para sa mas maayos na at maasahang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.
Ayon sa mga raliyesta, umpisa pa lang umano ito ng kanilang mas malawak na kampanya laban sa primewater infrastructure corp, na pinamumunuan ng negosyanteng si Lucio Co.
Ito ay dahil matagal na umano nilang problema ang madalas na water interruption, kakulangan ng suplay, mataas na singil, at maruming tubig ng nasabing water utility and distribution provider.
Kaya giit ng mga raliyesta, tanggalin na ang primewater bilang water utility and distribution provider sa San Jose del Monte, Bulacan.
Samantala, mariin ding kinondina ng mga raliyesta ang ang mga kasong isinampa ng primewater laban sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan.










