Kris Aquino, naaksidente!

2237

Isinisi ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang sound proofed home kaya hindi agad siya natulungan ng maaksidente sa kanyang kwarto.

Napatama si Kris nang maapakan at madulas sa wooden breakfast tray sa kanilang bahay nang bumaba ng kama.


Say ng TV host, nang humihingi raw siya ng tulong ay walang sumaklolo dahil hindi siya narinig dahil sound proofed ang kanilang bahay.

Buti na lang daw at malapit lang ang kanyang cellphone sa lugar ng pinagbagsakan nito kaya natawagan niya ang mga nasa bahay.

Nagtamo ng mga galos, pasa at pamamaga si Kris sa kanyang kamay at balikat, maging sa kanyang likuran at bukol sa kanyang ulo.

Dahil dito, na-realize ng aktres na hindi raw pala maganda ang magkaroon ng sound proofed na kwarto.



Facebook Comments