Tuesday, April 28, 2026

Sen. Rodante Marcoleta, sinopla ni Sen. Ping Lacson kaugnay sa pagbatikos sa kanya ng mambabatas sa hindi pagpapatawag ng pagdinig sa Blue Ribbon Committee

Binara ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson si Senator Rodante Marcoleta matapos igiit nito na dapat magpatawag na ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee at paharapin sa imbestigasyon si dating Speaker Martin Romualdez.

Binigyang-diin ni Lacson na bilang chairman ng Blue Ribbon Committee (BRC), hindi maaaring basta na lamang ipatawag ng Senado si Romualdez gaya ng nais ni Marcoleta dahil sa umiiral na interparliamentary courtesy.

Sinabi ni Lacson na mula pa noong magbukas ang Philippine Congress sa ilalim ng bicameral system ay umiiral na ang interparliamentary courtesy ng Senado at Kamara.

Ito aniya ang dahilan kaya ang lahat ng imbitasyon ng Senado para sa mga kongresista ay idinadaan sa opisina ng House Speaker, at dalawang beses na nila itong ginawa sa kaso ni Romualdez.

Hindi rin maaaring pilitin ang isang kasalukuyang nakaupong kongresista na humarap sa pagdinig maliban na lamang kung magkukusa ito, gaya ng ginawa nina Cong. Toby Tiangco, Cong. Leandro Leviste, at iba pang mga kongresista, kung saan ang tawag naman nila rito ay time-honored tradition.

Facebook Comments