Kumpirmasyon ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma sa CA, nabitin

Nabitin ang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA) ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Ito ay dahil kinulang na sa oras ang confirmation hearing lalo’t marami pang katanungan si Senator Risa Hontiveros sa Kalihim.

Bukod dito, nagmamadali rin ang mga senador at kongresista dahil mayroon pa silang plenary confirmation sa mga naunang nakumpirma ng panel sa committee level na sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr.


Itinakda naman sa September 20 ang pagdinig para sa kumpirmasyon ni Laguesma.

Sa confirmation hearing ay kabilang sa mga tinalakay ni Laguesma ang kahalagahan ng work-from-home at alternative work arrangement.

Facebook Comments