5 drug suspek kasama ang 2 menor de edad, arestado sa buy-bust operation

84

Sinalakay ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Daet, Camarines Norte.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police BGen. Roderick Augustus Alba, tatlong drug suspek ang inaresto habang ang dalawang menor de edad na kanilang kasama ay nasa kostodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinilala ang mga naaresto na sina Isagani Roson, taga-pangasiwa ng drug den at Lyza Aguilar at Mary Ann Villamora.


Sa nasabing operasyon nakasabat ang mga otoridad ng ₱238,000.00 halaga ng ilegal na droga.

Samantala, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments