5 SUGATAN SA BANGGAAN NG KOTSE AT TRICYCLE SA LINGAYEN

Maswerteng nakaligtas ang limang katao matapos masangkot sa Isang aksidente sa Quibaol, Lingayen.

Ayon sa ulat ng pulisya, ala una ng madaling araw noong 12 ng Marso, patungong Brgy. Baay, Lingayen ang tricycle nang biglang nabangga ng isang matulin na kotse.

Sakay ng kotse ang 28 anyos na lalaking driver na napag-alamang doktor kasama ang Isang 19 anyos na lalaki.

Lulan naman ng tricycle ang 43-anyos na lalaki sakay ang dalawang babaeng pasahero.

Nagtamo ng sugat ang mga sangkot sa insidente na agad namang nadala sa ospital.

Lumalabas na nasa impluwensya umano ng alak ang driver ng kotse.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa kabuuang halaga ng napinsala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments