Tuesday, July 28, 2026

Sen. Marcoleta, hindi kumbinsido sa pahayag ni PBBM tungkol kay Rep. Romualdez

Hindi kumbinsido si Sen. Rodante Marcoleta sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Partikular ito sa sinabi ni PBBM tungkol sa kaniyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez na malapit na umanong makasuhan ayon na rin sa Office of the Ombudsman.

Sa ambush interview kay Marcoleta nang magtungo sa Sandiganbayan, kinuwesityon niya ang pahayag ng Pangulo kung dapat bang malapit lamang sampahan at ni hindi man lamang daw nito binanggit ang pangalan ni Romualdez.

Tila nakukulangan naman ang senador lalo’t dapat aniyang hanapin kung sino ang puno’t dulo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Umalma rin si Marcoleta lalo’t tila nauna pa siyang makulong kay Romualdez kahit na mas maaga palang nagkaroon ng complaint affidavit ang dating speaker.

Facebook Comments