Saturday, August 29, 2026

Malacañang, nagbabala sa panganib ng dayuhang impluwensiya sa liderato ng bansa

Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa pambansang interes at soberanya ng bansa, kasunod ng ulat na ilang pulitiko umano ang tumatanggap ng suporta mula sa China.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangang maging malinaw ang paninindigan ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea at sa iba pang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Babala ni Castro, hindi dapat hayaang maimpluwensiyahan ng dayuhang interes ang pamumuno at mga polisiya ng bansa.

Mahirap aniya kung ang isang lider na mamumuno sa Pilipinas ay kontrolado o naiimpluwensiyahan ng ibang bansa dahil maaaring ibang interes at naratibo ang isulong nito sa halip na kapakanan ng mga Pilipino.

Giit ng Malacañang, dapat manatiling nasa kamay ng mga Pilipino ang pagpapasya sa direksyon ng bansa

Facebook Comments