978 PILING PAMILYA SA SAN FABIAN, TATANGGAP NG ₱12,000 SA UPLIFT PROGRAM

Tatanggap ng tig-₱12,000 ang 978 piling pamilya sa San Fabian matapos ilunsad noong Hulyo 20 ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa ulat, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱2,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Kabilang umano sila sa Group 2 Target Beneficiaries ng UPLIFT Assistance at natukoy sa pamamagitan ng cross-matching ng datos mula sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan kabilang ang mga poor at near-poor.

Pinangunahan ng DSWD, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Fabian, ang National Kick-Off at Simulation Launching ng programa noong Hulyo 20.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pinadali na ang pagkuha sa buwanang cash assistance dahil direktang ipapadala ang mga ito sa kanilang mga disbursement account sa halip na pumila pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments