
CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Ambalatungan, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Gerald”, nasa wastong edad, at residente ng Brgy. Buenavista sa nabanggit na lungsod.
Sa isinagawang operasyon, narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, buy-busy money, cellphone, at isang tricycle.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 2 sa pakikipag-ugnayan ng PDEA RO2.