LALAKI ARESTADO SA QUIRINO DAHIL SA KASONG CHILD ABUSE

Cauayan City– Napasakamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na na may kasong Child Abuse sa Barangay Gundaway, Cabarroguis, Quirino.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ernesto” tinatayang nasa wastong edad, at residente ng nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Remalie C. Corbe-Cardenas, Punong Hukom ng Regional Trial Court Branch 31, Cabarroguis, Quirino, isinagawa ng mga tauhan ng Aglipay Police Station, na pinangunahan ni Police Major Elesio C. Magno Jr., ang pagdakip sa akusado.


Mahaharap ang suspek sa kasong Other Acts of Child Abuse na may piyansang P80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Isinailalim din ang akusado sa medikal na pagsusuri bago dalhin sa Aglipay Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Patuloy na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang anumang kaso ng pang-aabuso upang agad na maaksyunan.

Facebook Comments