Dinagsa ang tanggapan ng COMELEC Asingan noong Mayo 18, kasabay ng huling araw ng voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.
Batay sa COMELEC Asingan, umabot na sa 42,048 ang kabuuang bilang ng rehistradong botante sa bayan.
Sa tala ng ahensya, 15,518 dito ang nakarehistro para sa Sangguniang Kabataan elections. Ayon naman sa lokal na pamahalaan, marami umano ang nagtungo sa opisina para makahabol sa itinakdang deadline ng pagpaparehistro.
Samantala, handa na rin umano ang COMELEC para sa pagsasagawa ng halalan matapos ang ibinigay na palugit para sa pagboboto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







