Tinututukan sa San Nicolas ang pagsusulong ng labor partnership para sa overseas employment sa ilalim ng Government-to-Government (G2G) Employment Program at Foreign Seasonal Workers Program (FSWP) ng South Korea.
Sa isang pulong, tinalakay ang mga kinakailangang paghahanda kabilang ang pagkompleto ng LGU Profile na bahagi ng requirements para sa pagpasok sa naturang international labor cooperation.
Iniulat din ang koordinasyon sa counterpart sa South Korea bilang bahagi ng proseso para sa posibleng partnership na magbubukas ng deployment opportunities para sa mga seasonal workers.
Patuloy na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang na kinakailangan upang maisakatuparan ang programa na magbibigay-daan sa overseas employment ng mga kwalipikadong residente sa ilalim ng G2G at FSWP frameworks. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










