Lalaki, binaril patay ng riding in tandem

Dumaguete, Philippines – Dead on Arrival ang isang lalaki biktima ng pamamaril ng Riding in tandem mag-alas 10 ng gabi sa Barangay Talay, lungsod ng Dumaguete.

Ang biktima ay isang Rolando Orellana, 30 taong gulang, nakatira sa nasabing Lugar.

Sa pagresponde ng Dumaguete Rescue Team, barangay official at barangay police agad dinala ang biktima sa hospital ng makita itong duguan dahil sa maraming tama ng baril na sanhi ng kanyang pagkamatay.


Inaalam pa ng autoridad ang motibo ng krimen.
DZXL558

Facebook Comments