REROUTING SA PALIGID NG URDANETA MEMORIAL CEMETERY, IPATUTUPAD SA UNDAS

Inilatag na ang rerouting sa paligid ng Urdaneta Memorial Cemetery sa November 1 at 2 para maiwasan ang pagsisikip ng mga sasakyan at ng mga bibisita sa Undas.

Ipatutupad ng Public Order and Safety Office o POSO Urdaneta City ang rerouting scheme sa loob ng dalawang araw na paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Batay sa advisory, kailangang dumaan sa Barangay Mabanogbog ang mga pribado at pampasaherong traysikel na patungo sa sementeryo o sentro ng lungsod.

Samantala, ang mga traysikel na manggagaling sa silangan patungo sa sementeryo ay maaari lamang magbaba ng pasahero sa bahagi ng isang dating gasolinahan.

Itinakda naman ang kahabaan ng Lachica Street bilang paradahan at labasan ng mga sasakyang bibisita sa Memorial Cemetery.

Ayon sa POSO, inaasahang magiging maayos ang daloy ng trapiko sa lugar sa pamamagitan ng pagsunod sa itinakdang ruta at mga tagubilin ng mga traffic personnel sa araw ng Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments