Iginiit ni Binmaley Mayor Pedro “Pete” Merrera na kailangang malinaw muna ang legal na batayan, dokumentasyon, at responsibilidad ng Department of Public Works and Highways o DPWH bago ipatupad ang road clearing operations sa mga national highway.
Ito ang naging paninindigan ng alkalde kasunod ng memorandum ng DPWH at advisory ng DILG na humihiling ng tulong ng mga lokal na pamahalaan sa pagtanggal ng road obstructions.
Ayon kay Merrera, posible ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya, ngunit kailangang malinaw ang kani-kanilang tungkulin.
Kinuwestiyon din ng alkalde kung bakit hindi noon pa naipatupad ang mga road right-of-way restrictions, lalo na sa mga matagal nang nakatayong istruktura.
Aniya, mahalagang matukoy muna ang eksaktong hangganan ng road right-of-way upang maiwasan ang mga reklamo at posibleng paglabag sa karapatan ng mga may-ari ng lupa.
Humihingi ang Binmaley LGU ng mga inspection report, right-of-way plans, inventory ng obstructions, at mga dokumento ng naunang enforcement operations.
Nagpanukala rin ito ng joint technical conference kasama ang DPWH at DILG upang malinaw na mapagkasunduan ang mga susunod na hakbang.
Nang tanungin kung kikilos ang munisipyo habang wala pa ang hinihinging dokumentasyon, ito ang sagot ng alkalde.
Samantala, layunin ng DPWH at DILG na mapanatiling ligtas at walang sagabal ang mga pambansang lansangan.
Nananatili namang bukas ang Binmaley LGU sa pakikipagtulungan, basta malinaw ang legal na batayan, proseso, at pananagutan ng bawat ahensiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










