Monday, November 2, 2026

HOMEMADE ARTIFICIAL FLOWERS, PATOK SA MGA BUMIBISITA NGAYONG UNDAS

Patok sa mga bumibisita sa mga sementeryo ngayong Undas ang mga homemade artificial flowers na mabibili sa murang halaga.

Ayon kay Mark na isa sa mga nagbebenta ng mga bulaklak sa Bonifacio Street, Dagupan City, mabenta umano ang artificial flower sa mga nagnanais mag-alay ng bulaklak na hindi masisira o madaling malanta.

Nagkakahalaga ng 20 pesos ang isang maliit na homemade flower. Nasa 70 pesos naman ang ibang klase ng materyales ang ginamit.

Nagsimulang magbukas ang ilang stall sa lugar noong huling linggo ng Otkubre at nakatakdang magtagal hanggang Nobyembre 2, habang hanggang Nobyembre 1 lang ang ilan.

Samantala, lumalakas ang kanilang bentahan tuwing hapon kung kailan maraming tao.

Umaasa naman ang mga manlalako na sa abot-kayang halaga ng kanilang pagbebenta ay mas papatok ito sa mga bumibisita ngayong Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments