Friday, April 17, 2026

Most wanted sa Laguna na may serious sexual offenses, naaresto sa Camarines Sur

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang lalaking most wanted sa Calamba City, Laguna para sa mga kasong may kinalaman sa sexual offenses.

Kinilala amang suspek sa alyas na “Rody” at sya ay naaresto sa Barangay Cabusao, Camarines Sur matapos ang isinagawang manhunt operation laban sa kanya noong April 15.

Siya ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso kagaya ng Qualified Statutory Rape, Rape by Sexual Assault, at tatlong counts ng Acts of Lasciviousness.

Kinumpirma naman ng mga otoridad na hindi nanlaban ang suspek at walang naging pahirapan sa paghuli sa kanya.

Kaugnay nito, sya ay dinala sa Cabusao Municipal Police Station (MPS) para sa dokumentasyon at pagpoproseso para iturnover sa kaukulang korte at detention facility.

Facebook Comments