LGU DAGUPAN AT DPWH, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA FLOOD MITIGATION AT INFRASTRUCTURE PROJECTS

Nagsagawa ng joint inspection ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing flood mitigation at infrastructure projects sa iba’t ibang bahagi ng lungsod ngayong araw, Agosto 6.

Ang pag-iikot at pagsusuri sa kasalukuyang estado ng mga proyekto upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga ito, lalo na ang mga may kaugnayan sa pagpapabuti ng drainage systems, kalsada, at mga hakbang laban sa pagbaha.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng patuloy na inspeksyon na masiguro na ang mga proyekto ay naipapatupad nang maayos at makatutugon sa pangangailangan ng mga residente, partikular sa pagbawas ng epekto ng pagbaha at pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa lungsod.

Patuloy naman ang koordinasyon ng LGU Dagupan at DPWH upang mapabilis ang pagpapatupad at pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Dagupeno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments